Wednesday, October 10, 2007

Kolehiyong Buhay

Pagkatapos ng sekondarya tayo ay lilipat ng ibang kabanata ito ay ang pagiging kolehiyo. Dapat maging handa sa pagpasok sa kolehiyo sapagkat iba na naman ang iyong pakikisamahan at maari kang makaharap ng hindi mo inaasahang pangyayari. Sa kolehiyong buhay ay hindi mo masasabi na madali at mahirap dahil sa ibat-ibang araw na dumaraan nakakaranas tayo ng madali at mahirap na aralin sa ibat-iba nating guro. Minsan nagkakasabay-sabay ang pagsusulit at proyekto kaya hindi mo malaman kung ano ang mas una mong gagawin pero kailangan magawa mo ito ng pareho sa pamamagitan ng sipag at pagtitiyaga. Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo kung papasok o hindi sa iyong mga subject. Kapag gusto mo nang umuwi makakalabas ka ng gate, walang maninita sayo. Kapag pasokan sa kolehiyo hindi mo na kailangan ng notebook sa lahat ng subject ang gagamitin mo nalang ay isa na lang doon mo na lahat isusulat ang iyong napag-aralan. Sa kolehiyo dapat na mag-aral ng mabuti dahil nag babayad tayo ng matrikula at ang mga magulang natin ang nagpapakahirap para tayo makapag-aral at para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.

No comments: