Wednesday, October 10, 2007

all about me!!!

Ako si Emmeline L. Aguilar nakatira sa Marikina City. Ang aking edad ay disi syete sa darating na Oktubre. Apat kaming magkakapatid at ako ang bunso..Nag-aral ako ng elementarya sa H. Bautista Elem. School, Sekundarya ay sa Parang High School at ngayong kolehiyo ay sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar).Ang aming mga magulang ay walang hanapbuhay.Isa sa aming pamilya ang naghahanap buhay at ito ay ang aming ate.Ang dalawang kong kapatid naman ay naghahanap ng trabaho para makatulong sa ikagiginhawa ng aming pamilyaNoong pareho pang may trabaho ang aming magulang ay masagana kami at nasusunod ang gusto ko..Lagi kaming pumapasyal sa kung saan saan…Tuwing bago magpasukan ay bumibili kami ng bagong mga gamit sa eskwelahan pero simula ng makatuntong ako sa ikatlong antas sa sekundarya syempre hindi maiiwasanna may dumating na pagsubok sa buhay..
Ang probinsiya ng aming ama ay sa Nueva Ecija..Noong bata pa ako pumupunta kami doon upang magbakasyon at nagkakaroon ang aming mag-anak ng isang salo salo..Kada taon iba’t ibang lugar kung saan ipinagdiriwang ito ( Reunion).Masaya ako at ang iba ko pang mga kapatid kapag kami ay umuuwi doon sapagkat nakikita naming muli an gaming mga kamag-anak..Ang huli kong uwi sa Nueva Ecija ay noong Abril 2004 kaya hindi ako makauwi ay dahilan sa walang perang pampamasahe at madali akong mahilo sa biyahe kaya kapag umuuwi ako kelangan kasama ang aming ina..Pero ang tatay ko at ang aking kapatid ay nakakauwi taun taon minsan kasi nakikisabay sa kapatid ng aming tatay.Kapag hindi ako nakakauwi taun taon ay dito sa Marikina ako nagdiriwang ng Bagong Taon sa mga kapatid ng aking ina.
Ang pinaka kakaiba kong katangian ay may pagka madamot ako sa aming pamilya..Kapag may gusto akong hingin ay nakukuha ko agad pero kapag hindi naibigay sa akin ay nagmomontong ako , iiyak na lang sa isang tabi at hindi kakain.Ganun ang ginagawa ko para maibigay sa akin.Kapag may mga lakad halimbawa swimming ay hindi ako pinapayagan..
Mahilig akong manood ng mga teleserye at Korean telenobela sa telebisyon at makinig ng musika..Sa aming tahanan meron kaming sinusunod na iskedyul sa paghuhugas ng pinggan at kanya kanya kami maglaba. Mahirap lang ang aking pamilya kaya nga ay nag aaral ako ng maayos upang maipag malaki ako ng mga magulang ko. Kahit medyo may kahirap ang mga aralin ko sa paaralan ay sinisikap kong makakuha ng matataas na marka upang hindi bumaba ang grades ko sa bawat sabject.
Ako`y simpleng babae na may matayog na pangarap sa buhay na ang nais kong makamit ay magkaroon ng magandang kinabukasan ang aking buhay at ang aking pamilya at makatulong din sa aking mga kapatid.Sa panahon ngayon ay may kahirapan ang buhay ngayon sapagkat tumataas ang mga bilihin kaya tuloy nag titpid ako at aking magulang sa lahat ng aming gastusin sa paaralan at sa pang araw-araw naming pangangailangan. bakit kaya matagal umabot ng 1200 ang HTML tungkol sa sarili ko eh ang dami dami ko nang naisulat dito, pambihira naman nauubusan na tuloy ako ng ilalagay dito sa about me ko! hay!!! naku ang buhay talaga minsan nasa taas ka minsan naman nasa ibaba paikot-ikot nalang. pero kahit ganun ang buhay dapat hindi tayo susuko sa laban kahit anong mangyari.

ang natutunan ko sa computer!

ang pag-aaral ng coputer subject ay napaka halaga sa bawat studyante sapagkat marami tayong matutunan dito. Dapat tayong magaral ng computer sapagkat kung maghahanap ka ng trabaho sa ngaun ang ibang kompanya ang kinukuha ay ang marunong mag computer. Ang mga natutunan ko sa subject na computer ay ang trabaho ng computer. Una (Information Processing) , ( Information Storage) , (Information Movement) at Communication with other devices. element of Electronic Data Processing yun ay ang Hardware, software, peopleware. How to be a better coputer user, carefull3x, copy3x, back up3x. ang virus sa computer ay maraming ginagawa ito ang kinaiinisan namin, dahil dito nawawala ang mga data at mabagal ang pagtakbo ng computer. kung paano tayo kikita sa pamamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng computer, ito ay ang e-commerce ang pagbili at pag bebenta ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng electronic system. Tungkol sa blog mayroon kang kalayaan kung ano ang gusto mong gawin at mga pwede mong isulat sa iyong blog, kung paano ka kikita sa pamamagitan ng iyong blog. Kaya mag aral ng mabuti sa subject na computer dahil makakatulong ito sa atin ng malaki at ang mga natutunan natin ay magamit natin balang araw.

Wiki Pilipinas.Org.

ang pag gawa ng wiki pilipinas.org ay napaka-laking tulong sa bawat magaaral o sa mga pilipino. Dapat nating bisitahin ang wiki pilipinas dahil tayo ang makikinabang dito sapagkat dito makakakuha tayo ng ibat-ibang kaalam na makakatulong sa ating pagaaral gayon din sa araw-araw na pamumuhay. Maari nating mahanap dito ang mga pang yayari o kasaysayan ng ating bansa. Ito rin ay makakatulong para masagot ang mga ibat-ibang katanungan na hindi mahahanap sa libro o kaya`y ang pinasasaliksik ng guro sa mga magaaral. Kahit hindi ka mag aaral makakatulong ito sa iyo ng malaki, sapagkat malalaman mo ang mga bagay-bagay na importante at makapagdaragdag sa iyong kaalaman.

Kolehiyong Buhay

Pagkatapos ng sekondarya tayo ay lilipat ng ibang kabanata ito ay ang pagiging kolehiyo. Dapat maging handa sa pagpasok sa kolehiyo sapagkat iba na naman ang iyong pakikisamahan at maari kang makaharap ng hindi mo inaasahang pangyayari. Sa kolehiyong buhay ay hindi mo masasabi na madali at mahirap dahil sa ibat-ibang araw na dumaraan nakakaranas tayo ng madali at mahirap na aralin sa ibat-iba nating guro. Minsan nagkakasabay-sabay ang pagsusulit at proyekto kaya hindi mo malaman kung ano ang mas una mong gagawin pero kailangan magawa mo ito ng pareho sa pamamagitan ng sipag at pagtitiyaga. Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo kung papasok o hindi sa iyong mga subject. Kapag gusto mo nang umuwi makakalabas ka ng gate, walang maninita sayo. Kapag pasokan sa kolehiyo hindi mo na kailangan ng notebook sa lahat ng subject ang gagamitin mo nalang ay isa na lang doon mo na lahat isusulat ang iyong napag-aralan. Sa kolehiyo dapat na mag-aral ng mabuti dahil nag babayad tayo ng matrikula at ang mga magulang natin ang nagpapakahirap para tayo makapag-aral at para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.